Skip to main content

Posts

Showing posts from December, 2010

KALABAN NI MAG-IROG

Malamig na hangin Madilim na kalangitan Manbigat na ulap BOOOOM! Bumagsak na ang laksang matatalim na ulan Ito ang aming kalaban. Lumalamig ang kapaligiran Makatindig balahibo Lumalagasgas na mga puno WOOOOSH... Ihip na haniging malakas Ng ulap na si Kulas Ito ang aming kalaban. Kakapa-kapa sa bulsa Lilinga-linga sa kapaligiran Nag-aalala sa kinasapitan Tok! Saktong mamera sa pitaka Nawala ng parang bula Ito ang aming kalaban. Tumatakbo ang kamay Mula sa knayang hanay Sa bilis, walang kapantay TIK TOK TIK TOK (papahina - pawala) Ang mga numero'y nawala Natutunaw na orasan Nagapi ng kalaban.