Ngayong araw na ito, nag-iisip ako ng pwedeng isulat kaso walang pumasok sa isip ko. Kahit anong piga, wala. Lumipas ang mga oras at pagkain. Tanghalian, meryenda, siesta, wala pa rin, wala. Tangan ko pa rin ang bolpen habang nakatitig sa maputi at malinis na papel. Papel na naghihintay mabahiran, marumihan ng tinta ng bolpen. Umikot ang tatlong kamay ng relos. ..... Umupo ng sapo-sapo ang baba. Humiga ng nakatingin sa kisame ng kwarto. Wala pa rin naisulat. Wala...