Skip to main content

Baby Power

Iyak, sermon, galit, gulat. Lahat nang iyan ay napalitan ng tuwa, saya, halakhak, pagkasabik.

Ayoko pong masira yung bakasyon ni Papa…” Paiyak kong sinagot ang tanong ni Mama habang katabi ko si Charles at magkahawak ang aming mga kamay kung bakit hindi agad naming sinabi ang tungkol sa aking kalagayan nung panahong kasama namin si Papa para sa isang linggong bakasyon dito sa Pilipinas – nagtatrabaho kasi si Papa sa Hong Kong bilang isang family driver.

Kinabukasan, nasabi na rin ni Charles sa kanyang mama ang tungkol sa aking kalagayan. Natanggap na rin naman agad nya ito.

Naging strikto si Mama nung sumunod na dalawa o isang linggong strikto sa aking paggising, pagtulong pati ang paggawa ng gawaing bahay. Dapat raw ay kumilos ako para maiwasan ang pagkamanas ng aking katawan. Ngunit kalaunan ay naging magaan na ang kanyang pakitungo marahil dala lamang ng pag-aalala.
Nagbago na ang lahat. Napalitan ang pagkabigla nang pagkasabik. 

Ang lahat ay nakaabang sa mga bagong balita tungkol sa bagong yugto ng aking buhay. Sa katunayan sa sobrang pagkasabik ni Tita Winnie, paisa-isa na ang bili nya ng gamit para kay baby ay ibigay.

Ang mga pinsan ko naman, mga anak ni Tita Winnie, palibhasa’y mga nabibilang sa larangan ng medisina, ay tanong ng tanong tungkol sa aking check-up , pregnancy symptoms at iba pa. Nagbibigay sila ng mga payo, mga dapat iwasan at bawal sa akin. Kung minsan nga ay hindi ko malaman kung binibigyan ba nila ako ng magandang payo o nananakot lamang sila tungkol sa panganganak. Hahaha. 

Si Papa ko kapag tumatawag, hindi nya nakakalimutan na kumustahin ako o kung ano na ang aking kalagayan. Sa tuwing kausap nya ako hindi nya nakakaligtaan na sabihin na “kumain ka ng kumain hangga’t may makakain, dalawa na kayo at mag-iingat kayo ng baby mo…

Si Mama ko, dahil kami ang mgkasama dito sa bahay, lagi siyang nagkukweto, nagbibigay ng payo at suhestiyon. Mother knows best ika nga nila. Ang bunga ay namunga na.

“Iba talaga ang nagagawa ng baby”, sambit ni Charles sa akin at akin naman itong sinangayunan. Binago nya lahat ng negatibo nang postibo. Ang bato naging mamon, ang mabangis na leon ay naging munting kuting , ang itim ay naging bahaghari.

Sa aming mga magulang at kaanak, walang hanggang pasasalamat ang ipinaabot naming ni Charles sa walang sawang pag-intindi at hindi matatawarang suporta sa amin. Muli, maraming salamat.  

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

My Online Journey

A friend and classmate of mine in the person of Jenny Barriga, introduced me a home based online business opportunity that according to her, will help me have a financial and time freedom just using Internet, my Facebook and other social networking sites - Supreme Wealth Alliance (SWA). Before I join, I struggled. I don't have the money to invest in the business opportunity. I almost sold my mobile phone to join in SWA but my brother came to a rescue. He lend me Php 2,500 (equivalent to US$55) and I am so thankful he did. After that, I told Jenny that I already have the money so she instructed to deposit it to bank account of one of the coaches, affiliated to SWA, which is the Tambay Academy. After I deposited the money, I took a picture of the receipt and send it to her as a Facebook message as per her instruction. Then I started doing the business, right at the very same day. I started posting photos, videos, tag friends and so on and so forth without reading the first th...

Busy little bee

These past few days, I've been busy working on my application in a NGO entity. For the mean time, I do volunteer work in that office as I wait for my starting date. I will be a part of the fund raising department and communications group. My work is on contractual basis meaning I will stay for 3 months then if they like my performance, they will renew my contract for another 3 months and so on and so forth. But in the event, they will not renew my contract or if I request it to (maybe), I'll just find another job. That's life. Life goes on. I hope I can handle this job well and will do my very best to handle and face it. :)

Sure-real Moments: Labor Day (Full Version) + Birth Day + Happy-dreadful Day

As I said before it's not the day for the migrant workers, it's the part of pregnancy where all your guts, emotion, finance and bodily strength will be put to a test. Morning of August 18, 2001, I started having the contractions. It felt like its ripping my hips off of my body. I immediately tell it to my Mama and said "Wala pa yan. Kapag sunod-sunod na yan at madalas, manganganak ka na. Lakad lakad ka lang. ( That's nothing. When you feel the contractions more frequent and comes in second, you're on your way. Just walk around.) After hearing my Mama's assurance, I spend my no ordinary day doing light house chores. As the night struck, contractions grew stronger. Can't eat my dinner, can't even sleep. That night was very exhausting. I walk around the living room for nth times while taking deep breaths. I even timed the contractions and write it down to monitor if I was really having getting-ready-to-give-birth contractions. As the night went deeper, t...